ASIAN GAMES | Good luck wish para sa Gilas Pilipinas – bumuhos

Manila, Philippines – Bumuhos ngayon sa social media ang good luck wish para sa Gilas Pilipinas, ilang oras bago ang banggaan nila ng team China sa Asian Games.

Target kasi ng Pilipinas na matalo ang China para maiwasan ang defending champion na South Korea.

Bagama’t natiktikan na ng China ang laro ng Gilas noong nakaraang laban nito kontra Kazakhstan, pasabog pa rin ang magiging performance mamaya ni NBA Fil-Am Star Jordan Clarkson.


Malaking bagay rin umano kung magpapakitang-gilas sa three point area sina Stanley Pringle, Paul Lee, Chris Tiu at Gabe Norwood.

Mamayang alas 5:00 na maghaharap ang Gilas Pilipinas at ang team China.

Facebook Comments