NILINAW | Luis Manzano – itinangging engage na sila ni Jessy Mendiola

Manila, Philippines – Hindi pa engaged sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ito ang nilinaw ng Actor/ TV host matapos lumabas ang bali-balitang nag-propose na siya sa aktres.

Kasunod ito ng video na ibinahagi nina Luis at Jessy kung saan nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.


Lalo pang na-excite ang kanilang mga fans nang mag-post naman ang aktres ng larawan ng kanyang kamay suot ang isang diamond-studded ring.

Pero say ni Luis – gustuhin man daw niya pero hindi pa talaga sila engaged.

Aniya, darating din sila ni Jessy sa pagpapakasal.

Facebook Comments