Manila, Philippines – Pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial send off para sa mga basketball team na ipadadala ng Pilipinas para sa Asian Games sa Indonesia.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong go na itinakda ang seremonya sa Malacanang sa August 13 na isang patunay ng buong suporta ni Pangulong Duterte sa Philippine basketball delegation para sa Asian games at sa Sports na Basketball.
Paliwanag ni Go, naniniwala din si Pangulong Duterte na ang basketball isang magandang paraan para mailayo ang mga kabataang Pilipino sa iligal na droga.
Inihayag din ni Go na nakalulungkot at nakapanghihinayan kung walang koponan ang Pilipinas sa Asian Games lalo pat ang basketball ay nasa puso ng mga Pilipino.
Hindi aniya katanggap-tanggap kung hindi magpapadala ang Pilipinas ng kinatawan dahil kaya naman at handa ang Pamahalaan na suportahan ito lalo na ng Administrasyong Duterte.
Matatandaan na si Go ang pumagitna para mnakumbinsi ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association na magpadala ng team sa Asian Games.