ASIAN GAMES | Laban ng Philippine basketball team kontra China, “must-win”

Indonesia – Itinuturing ng Philippine basketball team na “must-win” ang laro nila kontra China mamayang hapon sa 2018 Asian Games sa Indonesia.

Ayon kay coach Yeng Guiao, naniniwala siyang magiging magaan na ang mga susunod nilang laban oras na matalo nila ang China.

Sakaling malusutan, posibleng sunod na makaharap ng national team ang Thailand o Indonesia.


Samantala, mamayang hapon din ang unang sabak ni Cleveland Cavaliers Guard Jordan Clarkson sa Philippine team.

Umaasa si Guiao na pangungunahan ng Fil-Am player ang laro mamaya laban sa China.

Facebook Comments