KAKAIBA | Babaeng sanggol sa Indonesia, pinangalanang “Asian Games”

Indonesia – Isang babaeng sanggol sa Indonesia ang pinangalanang “Asian Games”.

Isinilang kasi si baby Abidah Asian Games noong August 18 na araw ng pagbubukas ng 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Ayon sa ama ng sanggol na si Yordania Denny, makasaysayan para sa kanilang bansa ang Asian Games kaya ito ang napili nilang ipangalan sa kanilang ika-apat na anak.


Gusto rin daw niya na maging atleta si Asian Games paglaki nito at hahayaan niya raw itong pumili ng gusto nitong sports.

Umaasa raw sila ng kanyang misis na si Vera Nova na susungkit ng gintong medalya si Asian Games sa hinaharap.

Facebook Comments