ASIAN GAMES | National Women’s Volleyball Team hindi dadalo sa opening ceremony ng 2018 Asian Games

Indonesia – Hindi dadalo ang national women’s volleyball team sa opening ceremony ng 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang sa Indonesia bukas.

Nais kasi ng koponan na mag-practice na lang para paghandaan ang kanilang laban kontra Thailand sa Linggo.

Inaasahan darating sa Athletes’ Village ang national team na pinangungunahan ni Alyssa Valdez at Abby Maraño ngayong tanghali matapos mag-training sa Japan ng halos isang linggo.


Target ng koponan na makapasok sa quarterfinals o last 8 ng Asiad.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalaban sa volleyball ang Pilipinas sa Asian Games sa nakaraang tatlumpu’t anim na taon.

Bukod sa Thailand, kasama sa grupo ng Pilipinas ang Hong Kong, Indonesia at Japan.

Facebook Comments