SUPPLY NG TUBIG | Rotational water interruption, inalis na ng Maynilad

Manila, Philippines – Inalis na ng Maynilad ang ipinatutupad nitong rotational services interruption sa ilang lungsod sa Metro Manila at Cavite.

Ayon sa water company, alas 11:00 kagabi, luminaw-linaw na ang tubig sa Ipo Dam kaya pwede nang magdagdag ang La Mesa treatment plants ng produksyon ng malinis na tubig.

Gayunman, pinayuhan pa rin ng Maynilad ang mga customer nito na mag-imbak pa rin ng tubig dahil posibleng lumabo ulit ang tubig sa Ipo Dam bunsod ng nararanasan na namang mga pag-ulan dahil sa bagyo.


Facebook Comments