ASIAN GAMES | Pambato ng Pilipinas sa wushu – handa na

Bukod sa Philippine Men’s Basketball Team, handang-handa na ring sumabak sa 2018 Asian Games ang mga pambato ng bansa sa larong wushu.

Ayon kay Wushu Federation of the philippines Secgen Julian Camacho – nasa top condition ang mga Pinoy fighters at titiyakin niyang mag-uuwi ang mga ito ng medalya para sa bansa.

Target din nila na malampasan ang naitala nilang record noong 2014 games sa South Korea kung saan nagbulsa ng dalawang silver medals ang Pilipinas sa wushu sa pamamagitan nina Daniel Parantac at Jean Claude Saclag.


Sa kasaysayan ng Asiad, no.2 ang best finish ng Pilipinas na nangyari noon pang 1954 Manila at 1958 Tokyo games.

Facebook Comments