BALIK ALINDOG! | Bangs Garcia – balik alindog walong buwan matapos manganak

Balik-alindog ang dating aktres na si Bangs Garcia, walong buwan matapos manganak.

Sa Instagram post ni Bangs, ibinahagi niya ang kanyang “before, during and after” pregnancy photos kung saan makikita ang mabilis na pagbabalik ng kanyang kaseksihan.

Dahil dito, napatunayan daw niya na hindi totoo ang sabi-sabing mahirap nang maibalik sa dati ang katawan oras na mabuntis sa edad na 30 pataas.


Kaya nga raw target talaga niya noon na makapag-asawa sa edad na 25 o 26.

Nabatid na ilang buwan bago magbuntis, nagsimulang mag-exercise at mag-health diet si Bangs para raw mas madali siyang makapagpapayat pagkatapos manganak.

Facebook Comments