ASIAN GAMES | PH Blu Girls, bigong manalo kontra Chinese-Taipei

Indonesia – Tapos na ang kampaniya ng Philippine softball team sa 18th Asian Games matapos matalo sa rematch nila kontra Chinese-Taipei.

Natalo ang Philippine Blu Girls sa score na 6-3 kung saan hindi nila nagawang makabawi sa unang pagkatalo nila noong isang araw sa score na 3-2.

Dahil sa pagkatalo, nasa pang-apat na puwesto na lamang pambato ng bansa.


Samantala, naghihintay na lamang ang Japan sa finals ng softball competition kung sino naman ang mananalo sa pagitan ng Chinese-Taipei at China.

Facebook Comments