ASIAN GAMES | Philippine weightlifting team, tiwalang makakakuha pa din ng medalya si Hidilyn Diaz

Indonesia – Tiwala ang Philippine Weightlifting Team na makakakuha pa rin ng medalya ang pambato ng bansa na si Hidilyn Diaz sa nagpapatuloy na 2018 Asian Games.

Sasabak kasi mamayang alas-5:00 ng hapon si Diaz sa 53-kilogram women’s division.

Makakaharap niya si Sopita Tanasan ng Thailand na gold medalist din sa nasabing torneo.


Humihingi naman ng panalangin si Hidilyn sa mga kababayan para makuha niya ang panalo kontra sa kaniyang laban.

Facebook Comments