Yeng Guiao, makikipagpulong sa PBA para sa mga bagong players na sasabak sa FIBA

Manila, Philippines – Plano ngayon ni coach Yeng Guiao na makipag-meeting sa pamunuan ng PBA para pag-usapang kung sinu-sinong mga players ang isasali sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nabatid kasi si coach Yeng ang siyang pansamantalang hahalili sa suspendidong si Chot Reyes.

Pansamantalang hahawakan ni Guiao ang Gilas na sasabak kontra Iran sa Setyembre 13 at ang Qatar sa Setyembre 17.


Samantala, humiling ng suporta si Special Assistant to the President Bong Go sa mga kapwa Pinoy na patuloy na suportahan ang kampaniya ng national team sa 2018 Asian Games na haharap sa Powerhouse Team na China mamayang alas-4:00 ng hapon.

Matatandaan na isa si SAP Bong Go na tumulong para kumbinsihin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na bawiin ang nauna nitong desisyon at magpadala na ng mga basketball players sa Asiad.

Facebook Comments