Indonesia – Hindi nakaporma ang Philippine Women’s volleyball team sa naging laban nila kontra Japan sa 2018 Asian Games.
Natalo ang national squad sa three straight sets sa score na 25-12, 25-15 at 25-21.
Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Pilipinas kung saan una silang nilampaso ng Thailand sa unang game.
Kailangan naman ng national team na manalo sa magiging laban nila kontra Hong Kong sa araw ng Huwebes.
Facebook Comments