NAGBUNYI | Mga senador, nagpaabot ng pagbati kay Hidilyn Diaz

Manila, Philippines – Nagbunyi ang mga senador sa pagkasungkit ni Hidilyn Diaz ng gintong medalya sa weightlifting competition ng 2018 Asian Games.

Agad nagpaabot ng pagbati kay Diaz sina Senate President Tito Sotto III, gayundin sina Senators Nancy Binay at Joel Villanueva.

Diin ni Senator JV Ejercito, para sa bayan ang tagumpay ni Diaz.


Ayon kay Senator Win Gatchalian, ang panalo ni Diaz ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kapwa niya atleta kundi sa mamamayang Pilipino.

Hinangaan naman ni Senator Richard Gordon ang dedikasyon, tyaga at pagtupad ni Diaz sa kanyang pangarap.

Pagmamalaki naman ni Senators Grace Poe at Risa Hontiveros, pinatunayan ni Diaz ang galing ng mga Pinay.

Facebook Comments