ASIAN GAMES | PRRD, ikinatuwa ang pagsungkit ni Hidilyn Diaz ng gold medal

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkapanalo ng gintong medalya ng weightlifter Hidilyn Diaz sa women’s 53-kilograms event ng 2018 Asian Games na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa Pangulo, kung magkakaroon lang siya ng oras ay pupunta siya ng Jakarta para makita si Diaz para personal na batiin.

Una nang nagkita ang Pangulo at si Diaz nang makuha nito ang silver medal noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.


Makakatanggap si Diaz ng limang milyong pisong incentive mula sa gobyerno Philippine Olympic Committee at kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong.

Facebook Comments