NANGUNA | “Eagles”, hawak ang record sa pinakamaraming bilang ng album na nabenta

Hollywood – Ikinatuwa ng bandang Eagles ang balitang hawak na nila ang record na may pinakamaraming bilang ng album na nabenta.

Nabatid na umabot kasi sa mahigit na 38 million na kopya ang naibenta sa album ng grupo na “greatest hits 1971-9175”.

Nahigitan na nila ang “Thriller” album ni Michael Jackson kung saan ang nasabing kumpirmasyon ay isinagawa ng Recording Industry Association of America (RIAA).


Nasa pangatlong puwesto rin ang album ng grupo na “Hotel California” na inilabas noong 1976.

Mahigit 150 million na album ang naibenta ng Eagles at nanalo na din sila ng anim na Grammys.

1998 naman ng itinanghal ang banda bilang Rock and Roll Hall of Fame at nakatanggap din sila ng Kennedy Center Honors noong 2016.

Facebook Comments