Manila, Philippines – Inilunsad ng International Obstacle Sports Federation at Obstacle Sports Federation Asia ang 1st Asian Obstacle Course Racing (OCR) Championships sa bansa.
Ang Obstacle Course Racing Championships na inorganisa ng Philippine Obstacle Sports Federation ay gaganapin sa January 27, 2018 sa JW Diokno Blvd sa pagitan ng Aseana at Bradco Avenues sa Parañaque City.
Atty. Alberto Agra, Chairman ng Phil reclamation authority, magkakaroon ng dalawang kategorya para sa mga Obstacle Course Racers (OCRacers) ang Elite at Pro Category at Age-Groups at Open Category.
Kailangan nilang tapusin ang ibat ibang physical challenges tulad ng climbing rope at over walls, carrying heavy object, crawling under barb wire at jumping through fire.
Tanging citizens at permanent residents’ ng anumang Asian countries ang qualified mag rank at manalo ng tropeyo at cash prize.
Ang 1st Asian Obstacle Course Racing (OCR) Championships ay inaasahan lalahukan ng mga malalaro mula sa ibat ibang mga bansa.