Rhian Ramos, tanggap na raw ang mga natatanggap na body-shaming comments

90

Hindi na raw nasasaktan ang aktres na si Rhian Ramos sa mga natatanggap nitong body-shaming comments.

Ayon sa aktres, tine-take niya ang mga komento na may “grain of salt”.


Say pa ni Rhian, wala pa siyang mga komento na natatanggap na hindi niya inasahan dahil alam naman niya mismo ang kanyang mga pinagdadaanan.

Nilinaw naman ni Rhian na sa huli ay gusto niya pa rin maging healthy at gawin ang tama para sa kanyang katawan.

Una nang nilinaw ni Rhian na stress at hindi eating disorder ang dahilan ng kanyang biglaang weight loss.

Facebook Comments