ASIAN WATERBIRD CENSUS, ISINAGAWA SA CABAGAN

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng DENR Cagayan Valley ang taunang Asian Waterbird Census sa Malasi Tree Park and Wildlife Sanctuary na matatagpuan sa San Antonio, Cabagan, Isabela.

Ang naturang aktibidad ay upang makakuha ng datos na kakailanganin sa monitoring sa kalikasan at pag-conserve ng ating biodiversity.

Sa ganitong paraan ay malalaman ang ahensya ang mga hakbang na kanilang dapat gawin upang ma-preserve ang mga waterbirds species.


Sa ginawang survey ay kinilala ang mga waterbird species na Philippine duck, Wandering Whistling duck, Northern shoveler, at Northern pintail.

Nakita rin sa nasabing sanctua ry ang iba pang uri ng ibon gaya ng Intermediate egret, Little egret, Pied bushchat, Oriental skylark, Cattle egret, Tufted duck, at iba pa.

Ang survey ay inirganisa ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Cabagan, Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Isabela, Mabuwaya Foundation Inc., at ang College of Forestry and Environmental Management ng Isabela State University Cabagan Campus.

Facebook Comments