ASIA’S GOT TALENT | Mga Pinoy finalists, todo-paghahanda na!

52

Manila, Philippines – Todo-paghahanda na ang ginagawa ng mga Filipino finalist sa Asia’s Got Tatlent.
Kabilang rito ang DMX Comvalenoz, isang dance group mula sa Compostella Valley at ang Urban Crew na nagpakita ng kakaibang ninja-themed routine sa semi-finals.

Pasok din sa finals si Neil Rey Garcia na nagpabilib sa judges sa pamamagitan ng sampung tunog ng kanyang beatbox.
Gaganapin ang finals sa Huwebes, December 14.
Matatandaang noong 2015, ang Philippine pride na El-Gamma Penumbra ang nag-kampeon sa unang season ng Asia’s Got Talent.

Facebook Comments