ASIN-ILAW Movement ng PNP Cagayan, Inilunsad!

45

Tuguegarao City – Matagumpay na isinagawa kaninang umaga ng PNP Cagayan ang Simultaneous Kick-Off ng Ating Siyasatin Inihalal Natin (ASIN) at Itaguyod Ligal at Wasto (ILAW) Movement sa People Gymnasiun, Tuguegarao City, Cagayan.

Ito ay dinaluhan ng tatlong libong indibidwal na mula sa iba’t ibang sektor ng bansa.


Ang ASIN-ILAW Movement ay isang grupo kung saan ito ay non-partisan o kaya ay walang iniendorsong mga kandidato.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay PCapt. Sharon Mallillin, PIO ng Cagayan Police Provincial Office, layon ng aktibidad na iwaksi ang suhol sa panahon ng halalan lalo ngayong araw ng eleksyon.

Samantala, titiyakin naman ng hepe ng lungsod na magiging maayos, payapa at tahimik ang lugar sa araw ng botohan.

Mayroon na anya silang mga idineploy na mga kapulisan upang magbantay sa lugar para mapanatiling ligtas ang kanilang nasasakupan

Facebook Comments

From Advertisers