Menor de Edad, Arestado sa Buy Bust Operation!

115

San Mateo, Isabela -Timbog ang isang menor de edad sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Jr, 17 anyos, isang mag-aaral at residente ng Brgy. Nambaran,Tabuk City.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nagpositibo ang transaksiyon ng mga otoridad sa binatilyo kung saan nakuha mula sakanya ang mga tuyong dahon ng hinihinalang marijuana at P1,000.00 na ginamit na buy bust money.

Dinala na sa San Mateo Police Station ang suspek at mga nakumpiskang item para sa karagdagang dokumentasyon.

Inihahanda na rin ng PNP San Mateo ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa binatilyo.

Facebook Comments

From Advertisers