ASINGAN PANGASINAN, DETERMINADONG MASUNGKIT ANG WORLD OF RECORD NA MAY PINAKAMAHABANG KAKANIN SA NALALAPIT NA KANKANEN FESTIVAL

Puspusan ang paghahanda sa bayan ng Asingan sa pagnanais nitong makalikha ng isang world record para sa longest-lined native rice cake sa darating na Kankanen Festival.
Dalawang-libong kilong malagkit ang gagamitin sa rice cake relay sa pagtatangka nitong maging record holder sa Guinness World of Record.
Ang paggawa ng kankanen ay isa sa mga karaniwang pangkabuhayan ng mga residente sa bayan at sumisimbolo ito sa mga nagdaang henerasyon ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Layunin ng nakatakdang pagdiriwang na makahikayat upang suportahan ang kanilang mga produkto tulad ng glutinous o sticky rice na pangunahing sangkap ng kankanen.
Samantala, ang Kankanen Festival ay gaganapin mula ika-5 hanggang ika-10 ng Hunyo kung saan magaganap ang pagsungkit ng bayan sa may pinakamabang kakanin sa buong mundo. |ifmnews
Facebook Comments