Aso na may pinakamahabang dila sa buong mundo – pasok sa Guinness World of Records

South Dakota – Isang aso sa South Dakota ang nakakuha ng spot sa Guinness dahil sa haba ng kanyang dila.

Nasungkit ni Mochi, isang Female St. Bernard, ang world title na “longest tongue on a dog” na may habang 7.3 inches!

Pero ang downside, nahihirapan daw huminga ang aso dahil sa haba ng kanyang dila at pahirap din ang dami ng mga dahon o duming nakukuha nito.


Kwento ni Carla Rickert, worth it naman ang mahigit anim na taong pag-aalaga nila kay Mochi na na-rescue lang daw nila sa kalsada noong ito ay tuta pa.

Umaasa si Carla na magiging daan ang Guinness World title ni Mochi para ipakita sa iba ang sayang pwedeng ibigay ng mga rescued animal.

Facebook Comments