Ai-Ai Delas Alas, ayaw nang pag-usapan si Kris Aquino para raw iwas negative vibes

Manila, Philippines – Ayaw na raw pag-usapan pa ni comedy queen Ai-Ai Delas Alas ang dati niyang BFF na si Kris Aquino.

Say ito ni Ai-Ai matapos siyang tanungin sa isang press conference ng pelikula niyang “Besh and the Beshies” na may tema ng pagkakaibigan.

Katwiran niya, ayaw na niya ng negativity sa katawan at marami naman daw siyang friends sa showbiz kaya na siyang tanungin pa tungkol kay Kris.


Bali-balita rin na hindi imbitado si Kris sa nalalapit na kasal ni Ai-Ai at fiance niyang si Gerald Sibayan.

Matatandaang nagkalamat ang pagkakaibigan ng dalawa sa isang personal na dahilan na itinanggi na rin niyang pag-usapan sa media.

Facebook Comments