Aso sa China, nagpakitang gilas – sampayan ng amo, tinawid!

China – Marami ang napa-wow sa talentadong aso sa China na navideohang tinatawid ang sampayan ng kanyang amo.

Kitang-kitang walang takot na tinawid ng aso sa Huaihua, Hunan Province sa China ang dalawang lubid kung saan ito nag-babalance ng bawat hakbang.

Napapatili man ang mga nakakanood, hindi man lang nakitaan ng takot and aso dahil hindi nanginginig ang mga binti nito.


Samantala, ayon sa amo nito, inabot ng isang buwan ng pagpa-practice bago nito matutunan ang nasabing trick.

Facebook Comments