Yassi Pressman, may ‘say’ sa gumagandang relasyon nina Coco Martin at Julia Montes

Manila, Philippines – Masaya ang 22-year-old actress na si Yassi Pressman sa nababalitang patuloy na magandang relasyon sa pagitan ng katambal na si Coco Martin at Julia Montes.

Ito ang pahayag niya matapos ma-hot seat si Julia na namataan sa Hongkong kasama ang ina ng rumored boyfriend na si Coco Martin.

Bagamat nalungkot ang fans ng Coco-Yassi love team na umaasang may mabubuong relasyon sa dalawa sa kanilang pagtatambalan sa seryeng ‘Ang Probinsyano’, okay pa rin naman ito ayon sa aktres.


Samantala, sinabi rin ni Yassi na wala pa siyang time ngayon sa love life dahil busy pa siya sa trabaho.

Facebook Comments