Asong ipinangako ni Chokoleit kay K Brosas, mayroong sentimental value

Inamin ni K Brosas na mayroong sentimental value ang asong ipinangako sa kanya ng komedyanteng si Chokoleit bago ito bawian ng buhay.

Pag-aamin ng singer na sobrang mahal niya ang asong pinangalanan niyang “Chokie” kahit hindi siya mahilig sa aso.

Iniabot sa kanya ng kapatid ni Chokoleit ang aso dahil ito ang pangako ng komedyante sa kanya.


Matatandaan, isa si K Brosas sa mga kaibigan ni Chokoleit na nag-asikaso ng kanyang funeral service kaya labis din ang pasasalamat ng pamilya ni Chokoleit.

Facebook Comments