Asong kalye, sinagip ang sanggol na itinapon sa kanal

958

Dahil sa kabayanihan ng isang asong kalye, nailigtas ang buhay ng isang sanggol na itinapon sa kanal sa Haryana, India, noong Hulyo 18.

Ayon sa mga ulat, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon tungkol sa asong walang tigil sa kakatahol malapit sa isang kanal.


Nang inalam kung bakit, natagpuan ng pulisya ang isang sanggol sa kanal.

Lumabas sa CCTV footage na isang hindi pa nakikilalang babae ang nagtapon sa bagong silang na bata sa kanal.

Nang marinig ang pag-iyak ng bata, pinuntahan ito ng aso at sinubukan pang hilain ang bata palabas sa kanal nang makalayo na ang babae.

Ginagamot na sa ospital ang nasagip na bata, na tumitimbang ng kulang kulang 1,100 grams at nasa kritikal na kondisyon nang dalhin doon.

Pinaghahanap naman na ng pulisya ang babaeng gumawa ng krimen na pananagutin sa batas.




Facebook Comments