Ninakaw na pustiso may pangalan pala; suspek arestado

538
Image via Jennings County Sheriff Office

Dinakip ang isang babae sa Estados Unidos matapos makumpirmang nagnakaw ito ng pustiso.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Jennings County Sheriff’s Office sa Indiana, lumabas na hindi talaga pagmamay-ari ng salaring si Joann Childers ang suot na ngipin dahil may pangalang nakalagay.


Salaysay ng pulisya, pinatawag nila si Childers nang makatanggap ng reklamo na ninakaw umano nito ang isang pustiso.

“The Probation Officer stated that Joann had worn teeth to her probation meeting that clearly were not hers and that she believed they may be the stolen teeth,” pahayag ng awtoridad sa kanilang Facebook post.

Binalikan ng pulisya ang suspek makalipas ang dalawang araw para muling kausapin at doon nadiskubre kung sino ang totoong may-ari ng pustiso.

Naibalik na sa biktima ang nawawalang ngipin at kinasuhan naman si Childers ng pagnanakaw.

Facebook Comments

From Advertisers