Asong may 5 tuta, tinaga sa likod sa Lanao del Norte

2317
Photo by San Franz Radio News & Public Affairs Department

Sinagip ng pulisya ang isang aso sa Lanao del Norte na umano’y tinaga sa likod.

Sa nag-viral na Facebook post ni Ohlgha Yongco, makikita sa mga litrato ang aso na may malaking hiwa sa likod nito.


Natagpuan ang sugatang aso na gutom at inaalagaan ang limang tuta malapit sa istasyon ng pulis sa Poona Piagopo.

Agad naman itong dinala sugod sa beterinaryo para gamutin at tahiin ang natamong sugat.

Nagpapagaling na ang aso na nasa pangangalaga ng isang pulis.

Samantala, hindi pa tukoy kung sino ang gumawa nito sa aso.

BABALA: Maselan ang mga susunod na larawan.

PHOTOS: San Franz Radio News & Public Affairs Department

 

Facebook Comments

From Advertisers