‘Bet Collector’ at isa pa, Arestado!

86

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang bet collector ng pasugalan kasama ang isa pang lalaki matapos na maaktuhan sa paglalaro ng Drop ball kagabi sa Brgy. Santiago, Quirino, Isabela.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Danilo Narag, 39 anyos, may-asawa, Bet Collector, residente ng Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela at si Bergill Galolo,18 anyos, binata, ‘bettor’ at residente naman ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.


Nakumpiska ng mga rumespondeng otoridad sa lugar ang anim (6) na betting boards, isang (1) pinpong ball, isang (1) plastic tray, isang (1) funnel at pera na mahigit kumulang isang libong piso.

Ang dalawang naaresto ay dinala sa CIDG Isabela PFU para sa booking bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers