ASOSASYON NG MGA MAGSASAKA SA CALASIAO, NABIGYAN NG LIMANG MILYONG PISO

Ipinamahagi ang aabot sa limang milyong piso sa mga asosasyon ng magsasaka sa Calasiao, kahapon sa isinagawang Farm Family Day.

Ang naturang halaga ay tulong umano na nagmula sa Department of Agriculture kung saan ilalaan sa pagbili ng mga kagamitan upang matiyak ang pagpapayabong sa sektor ng agrikultura sa bayan.

Gagamitin din ito sa marketing ng mga produkto ng mga magsasaka.

Samantala, tiniyak din ng lokal na pamahalaan ang tulong para sa mga magsasaka upang hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments