ASSESSMENT | AFP, sisimulan nang pag-aralan ang martial law extension sa Mindanao

Magsasagawa na ng assessment simula sa susunod na linggo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para pagpasyahan kung dapat pa bang alisin o palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP chief of staff, General Carlito Galvez – pag-aaralan nila ng mabuti ang sitwasyon sa rehiyon bago magsagawa ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang idineklara ng Pangulo ang batas militar sa Mindanao upang tiyakin na hindi na mauulit ang Marawi siege.


Nakatakdang magtapos ang umiiral na martial law sa Mindanao sa darating na Disyembre.

Facebook Comments