TIWALA | Nora Aunor, mahihirang na national artist sa takdang panahon – Malacañang

52

Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañang na mahihirang bilang national artist sa takdang panahon ang premyadong aktres na si Nora Aunor.

Ito ay kasunod ng pagkakabigo ni Aunor sa ikalawang pagkakataon na mapasama sa hanay ng national artist.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – bagama’t hindi naitanghal bilang national artist, hawak naman ni Aunor ang iconic stature bilang superstar na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa larangan ng telebisyon, pelikula at musika.

Bago ito, sinabi ni Aunor na mas mainam sa kanya na hindi magawaran ng national artist award kung ang kapalit nito ay hahamakin ang kanyang pagkatao.

Facebook Comments