ASSESSMENT | NFA council, ipatatawag ang mga regional directors ng NFA

Matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang National Food Authority (NFA), ipapatawag sa Lunes ni Secretary Manny PiƱol ang mga regional directors ng ahensya kasama ang NFA council para sa assessment ng rice situation sa bansa.

Ito ay bilang pagtalima na rin ng NFA Council sa direktiba ni Pangulong Duterte na tiyakin na may mabibiling murang bigas ang mga biktima ng bagyong Ompong.

Inaasahan na tatanungin ang mga regional directors sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang rice stock.


Gayundin, ang naging aksyon nila laban sa rice hoarding at diversion ng NFA rice stocks.

Facebook Comments