National Clean-up Drive ng CENRO Cauayan City, sa September 22 Na!

Cauayan City, Isabela – Muling nagtakda ng araw ang City Environment and Natural Resources Office o CENRO ng Cauayan City upang isagawa ang kanilang naantalang aktibidad kaugnay sa National Clean-up Drive ngayong buwan ng Setyembre.

Matatandaan na unang nagbigay ng impormasyon ang CENRO sa kanilang clean-up drive noong Setyembre kinse ngunit dahil sa bagyong nanalasa ay hind ito itinuloy.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay CENRO Officer Engr.Alejo Lamsen ay sinabi nito na ang naturang paglilinis ay isasagawa na umano sa ika-dalawampu’t dalawa ng Setyembre ngayong taon kung saan lilinisan ang mga duming nakakalat sa ilog ng Alicaocao.


Samantala muling hiniling ni Engr. Lamsen ang kooperasyon ng mga residente na tumulong sa kanilang clean-up drive at maging responsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran partikular ang kalinisan ng Cagayan River.

Facebook Comments