Assessment ng CAAP sa mga airport sa Mindanao na tinamaan ng lindol, natapos na

Natapos na ang pagsusuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan mula sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng lindol.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, may go signal na rin ang mga paliparan na mag-normalize ng operasyon.

Batay sa report ng CAAP officials sa Mindanao, wala namang naging pinsala ang lindol sa paliparan sa Davao, Tambler, Laguindingan at Butuan.


Habang isang bintana sa Cotabato airport ang nag-crack ang salamin.

Facebook Comments