Assessment ng DPWH, hihilingin pa rin ng Korte Suprema para sa mga gusali ng Supreme Court

Hihingiin pa rin ng Korte Suprema ang assessment ng DPWH sa estado ng mga gusali ng Suprme Court.

Ito ay bagamat nakumpleto na ng SC engineering  team ang initial inspection sa lahat ng gusali sa SC compound.

Ayon sa Kataas-Taasang Hukuman, nais pa rin nilang makuha ang structural assessment mismo ng DPWH kahit na walang nakitang major at structural damage sa mga buildings at structure ng Korte Suprema.


Ipinaubaya naman ng Supreme Court sa executive judges ang pagdedesisyon sa panunumbalik ng operasyon ng mga korte sa mga lugar na naapektuhan ng lindol noong Lunes.

Facebook Comments