Top 1 Most Wanted Person sa Dalawang Bayan sa Cagayan, Nadakip sa Isabela!

*Ilagan City, Isabela- *Nasa pag-iingat na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Buguey at Aparri Cagayan matapos madakip bandang alas nueve y medya kaninang umaga sa Brgy. Villa Imelda, Ilagan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Conrado T. Tabaco, ng RTC Br.9, 2nd Judicial Region, Aparri, Cagayan ang akusado na si Gerson Macabangun, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Minanga, Buguey, Cagayan.

Si Macabangun ay nahaharap sa kasong Pagpatay at Tangkay Pagpatay na naitala noong 2014.


May inirekomendang piyansa naman ang korte para sa kanyang kasong Tangkang Pagpatay habang wala namang inilaang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa kaso nitong Murder.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang akusado para sa tamang dispsosisyon.

Ang pagkakahuli ni Gerson Macabangun ay sa pagtutulungan ng PNP Ilagan, PNP Buguey at ng PNP Aparri.

Facebook Comments