Asset ng Militar at PNP sa Gattaran Cagayan, Pinagbabaril!

Gattaran,Cagayan – Pinagbabaril sa loob mismo ng bahay ang asset ng militar at kapulisan sa Barangay Abra Gattaran Cagayan nitong araw ng Martes sa oras na alas otso bente ng gabi.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang biktima na si Joseph Bartolome, 54 taong gulang, may asawa at isang magsasaka samantalang ang mga suspek ay humigit kumulang sa 12 na aramadong kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng sundalo ngunit pinaniniwalaang mga miyembro ng communist terrorist group.

Sa imbestigasyon ng PNP Gattaran at SOCO Lal-lo nabatid na kumatok sa pinto ng bahay ng biktima ang dalawa sa mga suspek upang humingi lamang umano ng tubig.


Pinagbuksan naman ng isa sa anak ni Bartolome ngunit nang makapasok sa loob ay binaril ng dalawang beses ang biktima sa dibdib na naging sanhi ng agarang ikinamatay nito.

Narekober ng SOCO team ang dalawang basyo ng M16 riffle sa lugar ng pinagyarihan at dinala sa Dr. Tomas Nolasco Sr. Hospital ng Gattaran ang katawan ni Bartolome para isailalim sa post-mortem examination.

Facebook Comments