Dalawang Kalibre 45, Isinuko sa Pulisya!

San Pablo, Isabela- Boluntaryong isinuko sa himpilan ng PNP San Pablo ang dalawang kalibre 45 dahil na rin sa kampanyang Oplan Katok.

Ayon kay Police Senior Inspector Jojo A. Turingan, hepe ng PNP San Pablo, ang dalawang baril ay pag-aari ng isang retiradong pulis at isang miyenbro ng Philippine Army ng Barangay Calamagui at Ingguan Bacolod San Pablo Isabela

Ibabalik din umano ang dalawang baril kapag naiparehistro na ito ng mga may- ari sa kaukulang ahensya.


Kaugnay nito nanawagan si Inspector Turingan sa taong bayan ng San Pablo na mas mainam na isuko na lamang ang mga baril na hindi lisensyado upang makaiwas sa anumang problema sa batas.

Samantala ang oplan katok ng kapulisan ay kaalinsabay din ng comelec gun ban kaugnay sa nalalapit na Barangay at SK Election.

Facebook Comments