Assets ng Makabayan Bloc, posibleng isailalim sa freeze order

Kinumpirma ng National Prosecution Service na hindi ligtas ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa posibilidad na isailalim sa freeze order ang kanilang assets.

Inihayag ito ni National Prosecutor General Benedicto Malcontento sa harap ng patuloy na imbestigasyon hinggil sa posibleng ugnayan ng Makabayan Bloc sa CPP-NPA-NDF.

Nilinaw rin ni Malcontento na ang pagmamanman sa Makabayan Bloc ay sa indibidwal na kapasidad at hindi sa organisasyon.


Aniya, may basbas din ng Court of Appeals ang pagsasailalim sa freeze order ng assets ng mga miyembro ng kilusan.

Una na ring ipinag-utos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isailalim sa freeze order ang bank accounts at mga ari-arian ng mga personalidad na kasapi ng makakaliwang grupo.

Una na ring napatay sa engkuwentro ng militar at New People’s Army sa Mindanao si Jevilyn Cullamat na anak ni Bayan Muna Party-list Rep. Eufemia Cullamat.

Facebook Comments