Assistance to Disadvantaged Municipalities, pangangasiwaan ng DILG

Manila, Philippines – Naniniwala si DILG OIC Catalino Cuy na malaking maitutulong sa 583 mga bayan ang mahigit walong bilyong pisong tulong sa pamamagitan ng Assistance to Disadvantaged Municipalities o ADM program na pangangasiwaan ng DILG.

Ayon kay Cuy, layon ng 8.17 bilyong piso na mula sa ADM program ay upang makatulong na palakasain, maging responsable at madaling makatugon sa mga proyekto ng LGU’s.

Paliwanag ni Cuy ang bagong maipalalabas na pondo ay magagamit sa 1,959 na mga local project katulad ng sistema sa patubig, pasilidad sa mga evacuation center, sa mga lansangan, sanitation and health facilities at iba pang mga proyekto ng ahensya.


Giit ng opisyal dumaan sa masusing konsultasyon ang naturang mga proyekto ng DILG sa mga Civil Society Organization, People’s Organization at iba pang mga development partners upang matiyak kung sinu-sino ang mga karapat dapat na mabiyayaan ng naturang pondo.

Facebook Comments