Assistant Branch Manager, Patay sa Pananaksak!

*Roxas, Isabela-* Patay ang isang assistant branch manager matapos pagsasaksakin mismo sa loob ng kanyang pinagtratrabahuang kumpanya pasado alas dos ng hapon, kahapon partikular sa Pres. S. OsmeΓ±a Avenue, Brgy Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Kristin Diego, 32 anyos, may asawa at residente ng Nueva Era, San Manuel, Isabela habang ang suspek na pinaghahanap pa ng mga otoridad ay nakilalang si Vina Rose Santiago, residente ng Brgy. Allinguigan, City of Ilagan, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng RMN Cauayan, pumasok ang suspek sa loob ng opisina at basta na lamang pinagsasaksak ng maraming beses sa katawan ang biktima at agad na tumakas matapos ang insidente.


Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng mga witnesses at sa tulong na rin ng CCTV Camera na nasa loob ng opisina.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival.

Samantala, Love triangle ang isa sa nakikita ng PNP Roxas na motibo sa naturang pananaksak habang patuloy pa ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa suspek.

Facebook Comments