Manila, Philippines – Itinakda na rin ng Judicial and Bar Council (JBC) sa December 5 ang public panel interview para sa mga aplikante sa babakantehing puwesto ni Associate Justice Noel Tijam.
Si Tijam ay magreretiro associate sa January 2019.
Unang sasalang sa first batch ng interview sina Ramon Cruz, Eduardo Peralta at Ricardo Rosario mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Sasalang naman sa ikalawang batch dakong alas dos hanggang alas singko ng hapon sina Ramon Bato, Amparo Cabotaje-Tang at Efren Dela Cruz.
Hindi naman sasalang pa sa public interview na una nang sumalang sa panayam kabilang na ang mga aspiranteng Court of Appeals justices.
Facebook Comments