TAAS PASAHE | LTFRB, nakapagpamigay na ng 41,159 na fare matrix

Manila, Philippines – Abot na 41,159 na fare matrix ang naipamigay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Central Office at Regional Offices ng ahensiya.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, tuloy-tuloy na ang pag-iisyu ng fare matrix sa mga public utility bus, Public Utility Jeepney (PUJ) sa NCR, Regions 3 at 4.

Base sa datus ng LTFRB, ang Central office ay nakapag-isyu na ng 11,277 fare matrix sa mga bus habang nasa 2,832 naman ang sa jeepney.


Sa LTFRB-NCR, nakapag-isyu na ito ng 11,414 fare matrix sa PUJ , 8,632 naman sa mga PUJ sa Region 3 at 7,004 fare matrix ang naisyu sa mga PUJs sa Region 4.

Paalala pa ng LTFRB sa mga driver at operators na bawal maningil ng pamasahe na ayon sa pinakahuling fare hike ng walang bagong fare matrix na naka-display sa kanilang pampasaherong sasakyan.

Facebook Comments