Associated Labor Unions, umapela sa mga amo na bayaran ang unpaid holiday pay ng mga manggagawa bago magpasko

Umaapela ngayon ang labor group na Associated Labor Unions sa employers na bayaran bago magpasko ang mga holiday pay ng mga manggagawa.

Ang pagbabayad ng holiday pay ay ipinagpaliban dahil sa krisis ng COVID-19 pandemic na kinakaharap ng bansa.

Tinatayang may pito hanggang sampung araw na unpaid holiday pay ang pinapabayaran ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa employers.


Ayon pa sa labor group, kailangang ibigay ang benepisyo bago ang December 31, 2020 lalo na sa mga hindi nagbayad simula noong April hanggang November 30 ngayong taon.

Una nang naglabas ng labor advisory ang DOLE noong mga nakaraang buwan na maaaring ipagpaliban ang pagbayad ng holiday pay dahil hirap ang mga kumpanya dahil sa krisis.

Facebook Comments