AstraZeneca vaccines na mapapaso sa Hunyo at Hulyo, naipamahagi na – DOH

34

Nagawang mai-distribute ng pamahalaan ang AstraZeneca COVID-19 vaccines na nakatakdang ma-expire ngayong buwan at sa Hulyo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 100-percent distributed na ito sa iba’t ibang vaccination sites sa bansa.


Nasa 2.4 million vaccine doses na ang naiturok sa mga tao.

Nabatid na higit dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na unang natanggap ng Pilipinas mula sa COVAX facility. 1.5 million doses nito ay nakatakdang mapaso sa katapusan ng Hunyo at ang natitirang 500,000 doses ay mapapaso sa susunod na buwan.

Facebook Comments