ASWANG DAW? | Bata, patay sa pananaksak ng sariling tiyuhin sa Bacolod

45

Bacolod City – Patay ang isang anim taong gulang na bata matapos 22 beses na pagsasaksakin ng kaniyang tiyuhin sa Bacolod City.

Ayon kay Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Inspector Arlyn Torrendon ng Bacolod City Police, tinitingnan na nila ang posibilidad na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang suspek.


Ayon sa ama ng biktima, matagal nang nagbabala ang kaniyang babaeng kapatid na huwag iwang mag-isa ang mga anak sa suspek dahil gumagamit ito ng ilegal na droga.

Nabatid na anim na buwan nang inaalagaan ng suspek ang biktima at ang kapatid nito dahil nagtatrabaho sa Cebu ang kanilang ama.

Pero giit ng suspek, pinaghinalaan niyang aswang ang bata kaya niya ito pinagsasaksak dahil madalas raw siyang kinakagat nito.

Desidido naman ang ama ng biktima na sampahan ng kaso ang kaniyang kapatid.

Facebook Comments

From Advertisers